Quarantined
- Mommy EverAfter
- Mar 21, 2020
- 2 min read
Para sa mga busy na tao, nakakapanibago ang biglang pagstop ng lahat ng regular na gawain at regular na ganap.
Do you find it nice? Or hindi ka mapakali?
For me, danger aside, I find the slowness and time on our hands a refreshing change. Lagi nalang kasi tayong rush rush rush. Need to do this. Need to do that. Need to go here. Need to go there. Need to finish this. Wala ng time to do the little things that matter.
Kung meron mang positive na naidulot tong Veerus (sabi ni President D.) na to, it’s making us slow down. Slow down to interact face to face, to stay at home, to spend time with our family, to rest, to do things na hindi natin naiisip gawin kasi wala tayong oras. In all this, nakakapahinga din pati si Mother Earth at ang mga criminal.
Hindi naman mahirap gawin ang part natin to beat this Veerus. Just listen and stay at home.
Bored ka na ba?
Play games. (Pinoy Henyo, Charades, Pictionary, Scrabble, Monopoly, Boggle at kung ano2 pa.) Hindi online games. Totoong games that you can do with your family.
Kala mo kilala mo na sila pero malay mo marami ka pang madidiscover. Get to know your family. Pwede din to idaan sa laro. Play 3 truths and 1 lie. Truth or dare. At kung ano2 pang getting to know you games.
Spend time with loved ones. Kahit walang gawin. Just stay together. Eat together. Cook together. Watch something together.
Talk. This is the time you can really talk to your family.
Read. Para sa mga mahilig magbasa, it’s a good time to start reading something new or tapusin ang mga nabitin na books or nobela.
Write. Sa mga katulad kong mahilig magsulat, this is also your chance to do it.
Start a new hobby. Wala ng mas perfect time to do this than now. Kung meron kang laging gustong simulan pero hindi mo magawa, go! Ngayon marami ka ng time.
Tick something off your bucket list (na hindi kailangang lumabas) or maybe create a bucket list if you don’t have one yet.
Marami pang iba. Just think outside the box. Most important of all, think of what you can do to help solve this crisis. Even if it’s just as simple as staying at home and being grateful about it. Maraming taong gustong mag stay at home pero hindi pwede because duty calls. Let’s be thankful we get to do it.
Komentāri